Marinig pa lamang ang salitang pagkain, handaan o kainan, ang unang nasa isip ay tayong mga Pilipino. Kasama ako sa mga Pilipinong mahilig tumikim ng iba’t ibang klase ng mga putahe. Nasubukan ko na ang mga kainang may mga putaheng mula sa Japan, China, Vietnam, Mexico, Italya, Amerika at siyempre karamihan pa din ay sa ating bansa. Sa dinami-dami ng aking natikman, hindi ko akalaing mula sa ating bansa ang aking pinaka natipuhan! Ito ay isang simple, karaniwan at madaling gawin na putahe. Ang putaheng ito ay “Sinigang na Bangus Belly sa Bayabas”.
Noong isang taon ay sinubukan ng aming pamilya na kumain sa isang restawran na nagngangalang “AbĂ©”. Ito ay isang restwran na mayroong mga putaheng mula sa ating bansa na ginawa nilang mas espesyal. Nasanay na kami na pumipili ng iba’t ibang klase ng putahe, katulad ng pinirito, gulay, isda, baboy at putaheng may sabaw. Sinubukan naming ang kanilang Sinigang na Bayabas. Ang akala naming lahat ay ang luto nito ay parang sa karaniwan lamang. Unang paghigop ko pa lamang , sarap na sarap na ako sa pagkain. Napakalinamnam at malapot ang sabaw dahil nakatasan ng mabuti ang bayabas. Bukod sa pagiging masarap, ito ay napakasustanaya. Ang bayabas na syang nagbibigay ng lasa sa putaheng ito, ay mayaman sa bitamina C at A. Sa katunayan ang isang bayabas ay katumbas na ng tatlong kalamansi. Sa abilang banda, ang bangus naman ay mayaman sa protina. Ito ang nagpaiba nito mula sa ibang sinigang. Hindi ko talaga makalimutan ang sarap nito kaya’t ito ang aking naging paborito sa lahat.
Bilang mga Pilipino, karapat dapat nating ipagmalaki ang sariling atin. Ang mga imported na pagkain ay masarap nga, ngunit hindi naman lahat ay may kakayahang bilhin ito. Hindi natin dapat ikahiya ang mga simpleng lutong bahay nating mga Pilipino. Oo nga’t mura, patok na patok naman ang lasa.